Anton Van Leeuwenhoek

A blessed day to all! Before I reveal all the facts about microscope, first let me introduce myself. Anton Van Leeuwenhoek is my name but you can call me Anton or Antonie. I was born in Delft, Holand on the 24th day of October 1632. My father was a basket maker and my mother came from the family of brewers. My formal education appears to have lasted a short time as I am listed as having only attended a school in Warmond.

With MICROSCOPE, life is precious.

We are living in the world of uncertainty. Our lives are full of things which we cannot see by our naked eye. Our planet is in distress as we go along side by side because we are conscious of the simple things that we do not know. Perhaps, maybe, perchance, conceivably were mere facts that we were not sure of the things that might happen to us. Our world might collapse because many things are not yet to be discovered, untimely, these bothers the human race simply because we still believe in what we believe in. Humanity, humankind, simple things in this world that bears in life, were fascinated to the reality that life goes on if we know what belong to us.

According to David Vaughan, in his speech, he coined that “most people take for granted the invisible world of the micro-bugs that exist side by side in relative harmony with all animals, including humans.” It is one of the facts that many small things in this world were not being study and ignore because we do not do certain things.

And the world evolved, many frontier thinkers of education studied, many geniuses emerged, many intelligent people contributed, and many individual person even though they were not the intelligent, genius and efficient step by step held their hands together for the realization of WORLD’S limited information for the sake od SCIENCE. That time, I considered that what is true in natural philosophy cam be most fruitfully investigated by the experimental method, supported by the evidence of the senses; for which reason, by diligence and tireless labor I made with my own hand certain most excellent lenses, with the aid of which I discovered many secrets of nature, now famous throughout the whole philosophical world, and that is MICROSCOPE.

Allow me to tell you completely the difference of don’t have to do have. Don’t you know that notably Robert Hooke of England and my predecessors and contemporaries are one of the two people who had built the microscope along with Jan Swammerdam of Netherlands? Because of that, bacteria, yeast plants, the teeming life in a drop of water, and the circulation pf blood corpuscles in capillaries were few of the micro-thing like seen. Until such time, variety of living and non living things were push through. In the modern times, microscope changed in to a more high-tech one. It is where even the lives of bacteria, composition, are utmost studied. Even the most and most, but definitely the most small objects in this world were now seen by the world. Humanities explore things, and the fact that we can illustrate it because we knew those things.

Indeed, we, students have minds that sharpened by the past, darkened by the facts and beliefs, and sculpted by the studies and discoveries of many discoverers and scientist like me. School, where these students were learning, fascinated by the conventional learning of modern era comes out with the intervention of technology all out the world. We humans need microscopes. We care about life of the things which we do not know. We want to be sufficed by the knowledge that we need to know. We want to be fed up by the facts as the time we see those things directly. And MICROSCOPE will help us a lot.

Like me and my contemporaries, we, Filipinos are diligent enough to explore things, and implore to our hearts the good thing in it. Life is not just a simple pavement towards nothingness. We are here to support things that our God Almighty pleaded in us. Let me quote this thought in my letter of June 12, 1716 “. . . my work, which I’ve done for a long time, was not pursued in order to gain the praise I now enjoy, but chiefly from a craving after knowledge, which I notice resides in me more than in most other men. And therewithal, whene I found out anything remarkable, I have thought it my duty to put down my discovery on paper, so that all ingenioys people might be informed thereof .”

In all this, we, humans, in greater heights is like MICROORGANISMS, a small but a very important thing not only in fauna and flora but also to humankind.

That’s all and thank you.

Prayer vs. Worry

Prayer vs Worry. A photo taken by the author. | Quotes |

PRAYER is the most powerful weapon which you can use to kill WORRY.

Ang Aral Mula sa Puno ng Igos (Mt. 24:32-35)

Salita ng Diyos. A photo taken by the author. Saan ba tayo nakikinig ng salita ng Diyos? Kahit saan malalaman at makapakikinig tayo nito lalo na’t kung dadalaw tayo sa Kanyang tahanan. | Bible |

(Order? Pagkain lang ba ang maiisip natin nang sambitin ang salitang “order”? Para sa akin, ang pag sunod sa salita ng Diyos ay pag sunod sa Kanyang order. We were all ordered to do good as children of God. This reflection is all about word of God.)

Sinabi ng Panginoon, “Mawawala ang langit at lupa, ngunit ang mga salita ko’y hindi magkakabula.”

Sa salita ng Diyos tayo’y natuto, matututo, at natututo. Bago pa man tayo isilang ay buhay na ang Kanyang mga salita. Hinding hindi maglalaho na parang bula ang salita ng Diyos sapagkat sa pagdaan ng panahon, marami  ang mabubuhay at mamamatay kaagapay ang Kanyang mga salita. Dumami man ang masama, sa huli’y ang kabutihan pa rin ng salita ng Diyos ang siyang mananaig. 

Kaya naman, mamuhay tayo ng may pananampalataya at isabuhay ang Kanyang mga salita.
Order

Mangarap Ka . . .

Isang batang babaeng musmos ang taas noong nangangarap para sa pamilya. A sketch created by the author. | Poem |

Sana ang mga pangarap kapag pinangarap ay di na mapako
Sana sa lahat ng aking pangarap hindi mauwi sa panlalako
Sana, sana lahat ng sana ko,
Maging matagumpay sana ako.

Mangarap ka abutin lahat ng gusto
Ano mang sabihin nila ay kakayanin ko
Ito ang kantang narinig ng mala binging tainga ko
Kantang tanging nakapukaw sa matitigas na puso.

Isang bata… Isang batang musmos ang nanlilimos
Kumakanta upang sila’y magkapera
Sa buhay pawang sila’y sawang sawa na
Mangarap ka ang tanging sambit ng puso’t isipan na namimilipit sa sakit.

Ate pahinging pera… Ate pahinging pera, pagkain, ganito, ganyan at kung ano ano pa
At ako naman tong si demonya
Na hindi pa naintindihang nangangailangan ka
Mangarap ka ang tanging sambit ng batang musmos na sa sakit ay naghihikakos.

Kaibigan… Ito na ang turing ko sa mga musmos na bata
Kaibigan na nirerespeto na kailangan din nila
Hindi para kaawaan ng walang ginagawa
Subalit kaawaan na may kasamang pagtulong ss kanila.

Isang batang musmos ang nangarap
Na nakatira sa lansangan, ano kayang hinaharap?
Isang batang musmos ang di makalasap ng sarap
Mangarap ka ang tanging sambit ng batang musmos na sa lansangan ay nangangarap.

Patuloy kang mangarap kaibigan 
Kaibigang musmos na nasa lansangan
Mangarap ka ang tanging sambit ng batang musmos na noon ay sa buhay ay kapos
Subalit ngayon ay matagumpay na nakapagtapos.

Salamat batang musmos sa lansangan
Tunay ka ngang inspirasyon sa kabataan.

Friend

Babala Laban sa mga Eskriba at Pariseo (Mt. 23:1-12)

Luke 14:11. A calligraphy created by the author. | Bible |

 Sinabi ni Jesus, “Ang nagpapakataas ay ibaba at ang nagpapakababa at itataas.”

Ako’y isang iskolar magmula ng pumasok sa pribadong paaralan. Sinisikap kong mapanatili ang pagiging honor student upang maipagpatuloy ang scholarship. At nang ga-graduate na, running for valedictorian ako noon. Maraming humihila sa akin pababa, mga nagmamataas at nakikipagkompetisyon. Minsan ko na ring nasubukan makipagkompetisyon subalit natiyak kong mali ito. Hinayaan ko na lamang ang mga taong hindi masaya sa kung anong naa-achieve ko. NAGPAKUMBABA at ipinaubaya ko na lamang sa Diyos ang maaaring mangyari sa mga taong iyon. Itinatak ko sa puso’t isipan ang nass Luke 14:11 na “Those who exalt themselves will be humbled and those who humble themselves will be exalted.”

At anong nangyari sa huli? itinaas ako ng Panginoon at nakamit ang tagumpay. At patuloy pa rin akong magpapakumbaba sa tamang paraan.

Ang Buhay Nga Naman

Ang Buhay Nga Naman. Paano ka sumabay sa ikot ng gulong ng buhay? A photo taken by the author. | Story |

Ang buhay nga naman ay parang daan, kung minsan lubak lubak, minsan din ay deretso. Parang gulong, minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba. Ang gulo diba? Haynako, hindi ko na maintindihan. Kaya ako? Eto, ‘go with the flow’ nalang. Sumasabay nalang ako sa agos ng aking buhay. Ako nga pala si Angel. Anak ng isang inang tangi kong minamahal kahit na siya’y ganito sa akin.

“Ikaw na bata ka, bumangon ka na nga diyan! Wala kang kwentang anak. Bangon!”, ang wika ni nanay Ana. Iyan ang aking ina, mataray, laging galit, araw araw nakakunot ang noo. Kulang nalang isumpa ako. At ang tanging nawika ko na lamang, “Eto na naman sila. Hays.” Naku po! Narinig yata ni nanay Ana, “Anong binubulong bulong mo dyan? Gusto mo bang itakwil na kita?!.”, ang siya namang sabi ng nanay ko. Natameme nalang ako.

Kitams? Ang lungkot ng buhay ko. Alam kong hindi ako kagandahan subalit maipagmamalaki ko naman ang panloob kong kaanyuan. Simple lang ang aking pamilya. Hindi mayaman, ngunit madalas mahirap. Pero sa kabila nito alam kong mahal ako ng Diyos. Maka alis na nga. Pupunta na ko sa aking paaralan na para sa akin ay madaming kampon ng kademonyohan. Palagi nila akong inaapi eh. Ang buhay nga naman!

Sa paaralan . . . 

Karlo: Ang pangit pangit mo!

Kendra: Hindi ka bagay dito! Maganda lang na tulad ko ang pwede dito. 

Angel (ako): Aray ko! Bat mo ako tinulak?

Joy: Umalis ka nga dito! Layas! Wala kang pakinabang! 

Karlo: Inah, ate mo ba talaga yang si Angel? O ampon lang?

(At nag tawanan nga silang lahat.)

Kendra: Ah ampon! Kawawa ka naman.

Inah (kapatid ni Angel): Hahaha! Sige, lait laitin niyo lang yan. Tutal di naman kawalan yan sa akin eh.

Karlo: Guys! Ayaw yata umalis ni Angel eh. Batuhin nalang natin.

Marco: Hoy tigilan niyo nga yan. Darating na si Ma’am oh.

Kendra: Wag ka ngang makisali Marco. Pasalamat ka may itsura ka. At kung wala, magsama kayong dalawa!

Teacher: Class! Anong nangyayari dito? Tigilan niyo na nga yan. Angel, anong inaarte mo diyan?

Karlo: Eh Ma’am bakit po kasi nandito yan? Hindi po namin siya ka-level dahil mahirap lang yan.

Teacher: Shut up Karlo! Ikaw Angel, tumayo ka na dyan. Ayoko ng maarte.

Karlo: Arte mo girl!

Mabait, magalang, matulungin, at matalino. Yan ang isang Angel. Bagkus parati pa rin akong inaapi dahil sa estado ng aking pamumuhay. Lagi nalang akong ginagawang clown. Kung baga para sa mga kaklase ko, ako ay katatawanan. Ngunit para naman sa akin, napakasakit na.

Kinabukasan . . .

“Kailangan kong maging mas matatag. Kaya mo yan Angel!.” Ito ang nasambit ko sa sarili  subalit dumating na ang puntong punong puno na ako dahil sa mga pang-aapi.

Karlo: Ayan na si Angel!

Kendra: Hi girl! Nandito ka na naman. Diba sabi ko wag ka nang babalik dito?! (inilagay ni kendra ang wallet sa bag ni Angel ng hindi niya nalalaman)

Joy: Guys! Nawawala ang wallet ko!

Inah: Ninakaw siguro yan ni Angel.

Marco: Grabe naman kayo mang bintang. Di naman siguro magagaws ni Angel yan.

Karlo: Mabuti pa ibigay mo sa amin yang bag mo!

Angel: Ano ba Karlo! Sinabi nang wala sa akin.

Karlo: Eh ano to ha?

Joy: Magnanakaw ka!

Karlo: Magnanakaw!!!

Inah: Hampas lupa!

Kendra: Mahirap ka!

Marco: Hoy tama na yan nasasaktan yun tao.

Joy: Hindi ka na nga kagandahan, magnanakaw ka pa!

Angel: TAMA NAAAAA!!! AYOKO NA!!! ITIGIL NIYO NA TO! Ikaw Karlo, di mo ba titigilan ang pangbabato sa akin ng papel araw-araw? Ikaw kendra, kalalaki mong tao sinasaktan mo ang babaeng tulad ko. Tama lang pala na naging bakla ka! Ikaw Joy, hindi ka ba nakuntento sa masasamang salitang isinumbat mo sa akin? Pinagbintangan mo pa talaga ako ha. At ikaw Inah, kapatid kita. Tayo dapat and nagtutulungan. Pero anong kinalabasan? Mas pinili mo pang sumama sa mga demonyo mong kaklase! Talaga bang hindi kayo titigil? Tao lang din ako. May damdamin ako kaya nasasaktan din ako. Tandaan niyo ang araw na ito!

Makalipas ang ilang taon . . .

So ayun, isa na akong laganap na Engineer ngayon. Engineer Angel Francia ng Pilipinas. Salamat sa mga nang api sa akin dahil sa inyo tumatag ako. Matagumpay ako ngayon. At ang mga nanglalait sa akin?

Karlo: Angel patawarin mo sana kami.

Kendra: Gagawin namin ang lahat mapatawad mo lang kami.

Joy: Kailangan ka namin ngayon.

Inah: Ate si nanay Ana may sakit.

Angel: Mga nakaluhod pa talaga kayo ha. Tumayo nga kayo diyan. Matagal ko na kayong pinatawad. Ano bang maitutulong ko? 

.

.

.

Tinulungan ni Angel ang mga ito. Napagtanto nila na kung sino pa ang dating nilalait nila ang djha pang naglakas loob na tumulong. Ika nga nila ‘Dont judge the book by its cover’ dahil ang mga gaong di kagandahan ang panlabas na anyo ang siya naman may mabuting kalooban.

ANG BUHAY NGA NAMAN

Friend

Ang Pinakamahalagang Utos (Mt. 22:34-40)

Tayo’y maglingkod sa Diyos at sa kapwa. A photo taken by the author. Ano nga ba ang pinakamahalagang utos? | Bible |

“Guro alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?.” Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.”

Paano natin iibigin ang Diyos? Simple lang. Maglingkod tayo sa kanya nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.

Paano natin iibigin ang ating kapwa? Simple lang din. Respeto. Respeto ang pinagmumulan ng pagpapakita ng pag-ibig natin sa kanila.

At higit sa lahat ay KABUTIHAN dahil tangin ang gumagawa ng mabuti ang siyang tinatawag na anak ng Diyos. 

You Are . . .

Love Never Fails. “You Are . . .” is a song composed by davincistoryunknownm. Who is your ‘the one’ in this big, big world? You are. Yes, you are the one. | Song |

When you came to my life, knew that you like me, I rejected everything.
Due to my past, I thought everyone will hurt me, thought that you’re distracting.
When you say “I like you” then I say “I hate you”, ain’t it unfair? Ain’t it irritating?
An apology is what I’m asking.

You are the one who can shut up my brain.
You are the one who can fix my broken heart.
You are the one who can make my moment perfect.
Yes, you are, you are the one.

Yes, you are, you are the one that makes me laugh despite of rejections.
You are the one who draw a smile on my face when I have bad emotions.
You are the one who still stand tho I show interjections.
You are the one, my only one, one of my love in His creations.

You are the one who can shut up my brain.
You are the one who can fix my broken heart.
You are the one who can make my moment perfect.
Yes, you are, you are the one.

You are the one who can slow me down.
You are my soulmate, you are my clown.
It was first impossible,
But together we possibly made it all.

You are the one who can shut up my brain.
You are the one who can fix my broken heart.
You are the one who can make my moment perfect.
Yes, you are, you are the one.

Im crazy about you, too.
So I wrote this as response for you. 
You and I are perfect two.
The one for me is you.

You are the one who can shut up my brain.
You are the one who can fix my broken heart.
You are the one who can make my moment perfect.
Yes, you are, you are the one.

Yes, you are…

Mahal Kita Pero Paano?

Teary Eye. This is a sketch made by the author davincistoryunknownm. Sa ating buhay, napakadaming ‘what ifs’ ang siyang dumadating lalo na’t pagdating sa pagmamahal. Isinulat ko ang tulang ito para sa mga taong nagmamahal subalit nag-aalinlangan. Mahal niya ang taong iyon pero paano nga ba? | Poem |

Sana lahat ng tanong madaling sagutin.
Sana kapag tinanong ka, sarili mo’y sa huli ay di sisisihin.
Pero bakit? Ano? Sino? Paano? Gaano?
Mahal kita pero paano?
Paano kung may mahal ka nang iba? 
Paano kung ang loob mo’y tuluyang nahulog pa?
Paano na ang pagmamahal ko sa iyo?
Paano pala kung di tayo?

Hindi naman ako yung tipo ng tao na manghuhula.
Mahuhulaan ko ba ang iyong dahilan
Sa pag-alis mong naglaho ka na parang bula
Mahal kita pero paano nga ba?

Napakahirap… Napakahirap pag tugmain ng mga salita
Tulad ng pagtugma ng nararamdaman nating dalawa
Na para bang pinaglalaruan tayo ng tadhana
Ikaw at ako, hanggang sa huli’y may “tayo” nga ba?

Sa pag-alis mo’y paano kita mamahalin pa
Kung may mahal ka nang iba?
Sana lahat ng paano,
Ay masagot mo.

Hindi ako isang panis na pagkain o di masarap na pagkain
Na itatapon mo dahil hindi mo na gusto.
Mahal kita pero paano,
Kung ang pagmamahal ko’y binabaliwala mo?

Hindi ako isang libro na iyong binabasa
Na kapag natapos na’y isasara mo na at hahanap ng iba.
Mahal kita pero paano,
Kung ang libro natin ay tinapos mo na?

Hindi ako maganda tulad niya.
Hindi ako yung tipo na maporma.
Mahal kita pero paano,
Kung ang hanap mo’y hindi ako?

Hindi ako… Hindi ako… Ayoko na! Sasabog na ‘ko!
Luha… Luha ang siyang tumulo
Mula sa mga matang pawang nanlulumo
Guguho na! Oo, guguho na ang mundong ginawa nating dalawa.

Isa lang naman ang aking hinihiling.
Kahilingan na malabong tanggapin.
Na sana… Sana sa huli nito,
Sana sa huli nito ay magtapos sa ikaw at ako, mayroong “TAYO”.

Mahal kita pero paano?
Mahal kita pero…
Mahal kita…
Mahal na mahal.

SINUMPA ANG PUNO NG IGOS (Mt. 21:18-22)

A Prayerful Padre Pio. This photo was captured by the author in Padre Pio Church at Batangas, Philippines. | Bible |

Sinabi ni Jesus, “At anumang hingin ninyo sa panalangin ay tatanggapin ninyo, kung nananalig kayo”.

Sa ating pagdarasal at pakikipag-usap sa Diyos, Siya ay palaging nakikinig sa atin. Tatlo lamang ang maaari Niyang isagot sa ating panalangin o kahilingan: Oo, Hindi, at Sandali lamang. OO ang kanyang sagot kung ang ating panalangin ay may magandang dulot sa bawat isa. Na kung ang kahilingang ito ay sapat na. HINDI ang kanyang sagot sapagkat bukod sa ating panalangin ay may mas hihigit pa dito na lubusan nating ikasisiya. SANDALI LAMANG ang kanyang sagot na kung saan sinusubok Niya ang ating pasensya sapagkat ang magandang bagay ay dumadating sa taong marunong mag-antay.

Gayunpaman, nararapat lamang na panatilihin natin ang pagdarasal mula paggising sa umaga, pagtulog sa gabi, at saan man tayo magpunta sapagkat tanging ang Panginoon lamang ang maaaring magbigay-kasagutan sa atin.