Isang Magandang Nakaraan

Pagbuklat sa Nakaraan. A masterpiece by the author. Paano kung nasira ang inyong pagmamahalan? Ito ba’y magiging isang nakaraan na lamang? | Poem |

Isang magandang nakaraan na ayoko nang balikan
Isang magandang nakaraan na kung saan ngayo’y naglaho ating pagmamahalan
Isang magandang narakaan na pilit kinakalimutan
Ng puso’t isipan na tunay ngang nasaktan.
Sa una ay masaya, sayo nadama ang tunay na ligaya.
Nadala ako sa mga sinasabi mong “Mahal, mahal kita”
At ako naman itong si tanga na nagsabing “Mahal, mahal din kita”
Bakit ganon, handa akong magpakatanga dahil nga minamahal kita sa tuwina.
Isang taon… Nag tagal tayo ng isang taon!
Isang taon na puno ng pagmamahalang ating binabaon
Isang taon na kung saan marami tayong bagay na natunton
Bakit ganon, hindi ko malimot mga nag daang taon.
“Ito na yata ang pinakamasaya” sabi ko sa sarili
Sa pag mamahal mo ako’y wiling wili
Subalit ito na nga din ang pinakamalungkot na parti
Mundo ko’y gumuho at nanlumo ng maglaho ka sa’king piling.
Bakasyon… Nagdaan ang bakasyon
Oras, araw, linggo at buwan ang lumipas ‘non
Ito’y nagdulot sa’tin ng pag iibigang sa lupa’y pawang nabaon
Problema nga ito na parang walang solusyon.
‘Di nag-uusap na para bang nasa magkabila tayong mundo
Ako’y walang alam sa kung anong nangyayari sa’yo
Yun pala’y ang pagmamahal mo tuluyan nang naglaho
Pag wala ka tunay ngang nakakapanibago.
Pasukan… Nang mag pasukan tayo’y di nag papansininan
Ika ng iba’y “Meron pa bang ‘kayo’ ngunit bat ganyan?”
Lumipas ang dalawang buwan ngunit nagawa mo kong pagtiisan
Walang usap, walang tawag, walang ni “hoy”, ni “hi” man lang.
Tinanong kita kung mayroon pa bang tayo
Ngunit ang sagot mo’y “Ewan ko sayo”
Ang sakit,  ang sakit sa puso
Pag-ibig ko sayo ay binaliwala mo.
Tinanong kita kung anong problema.
Sabi mo’y “Nakakasawa na”
Nawalan lang ng komunikasyon at ika’y kapagdakang nagsawa
Bakit ganto, O mundo, nasasaktan na ‘ko.
Hindi ko na dama ang “tayo”, wika mo.
At ako naman si tanga, halika ipadadama ko.
Ngunit para bang ako’y gumuho
Na akala ko’y merong “tayo” subalit ang mayroon pala ay “kayo”.
Nakaraan… Nakaraang puno ng kaligayahan.
Nakaraang marami akong natutunan.
O mahal ko, salamat sa nakaraan.
Isang magandang nakaraan na ayoko ng balikan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s