Ang Buhay Nga Naman

Ang Buhay Nga Naman. Paano ka sumabay sa ikot ng gulong ng buhay? A photo taken by the author. | Story |

Ang buhay nga naman ay parang daan, kung minsan lubak lubak, minsan din ay deretso. Parang gulong, minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba. Ang gulo diba? Haynako, hindi ko na maintindihan. Kaya ako? Eto, ‘go with the flow’ nalang. Sumasabay nalang ako sa agos ng aking buhay. Ako nga pala si Angel. Anak ng isang inang tangi kong minamahal kahit na siya’y ganito sa akin.

“Ikaw na bata ka, bumangon ka na nga diyan! Wala kang kwentang anak. Bangon!”, ang wika ni nanay Ana. Iyan ang aking ina, mataray, laging galit, araw araw nakakunot ang noo. Kulang nalang isumpa ako. At ang tanging nawika ko na lamang, “Eto na naman sila. Hays.” Naku po! Narinig yata ni nanay Ana, “Anong binubulong bulong mo dyan? Gusto mo bang itakwil na kita?!.”, ang siya namang sabi ng nanay ko. Natameme nalang ako.

Kitams? Ang lungkot ng buhay ko. Alam kong hindi ako kagandahan subalit maipagmamalaki ko naman ang panloob kong kaanyuan. Simple lang ang aking pamilya. Hindi mayaman, ngunit madalas mahirap. Pero sa kabila nito alam kong mahal ako ng Diyos. Maka alis na nga. Pupunta na ko sa aking paaralan na para sa akin ay madaming kampon ng kademonyohan. Palagi nila akong inaapi eh. Ang buhay nga naman!

Sa paaralan . . . 

Karlo: Ang pangit pangit mo!

Kendra: Hindi ka bagay dito! Maganda lang na tulad ko ang pwede dito. 

Angel (ako): Aray ko! Bat mo ako tinulak?

Joy: Umalis ka nga dito! Layas! Wala kang pakinabang! 

Karlo: Inah, ate mo ba talaga yang si Angel? O ampon lang?

(At nag tawanan nga silang lahat.)

Kendra: Ah ampon! Kawawa ka naman.

Inah (kapatid ni Angel): Hahaha! Sige, lait laitin niyo lang yan. Tutal di naman kawalan yan sa akin eh.

Karlo: Guys! Ayaw yata umalis ni Angel eh. Batuhin nalang natin.

Marco: Hoy tigilan niyo nga yan. Darating na si Ma’am oh.

Kendra: Wag ka ngang makisali Marco. Pasalamat ka may itsura ka. At kung wala, magsama kayong dalawa!

Teacher: Class! Anong nangyayari dito? Tigilan niyo na nga yan. Angel, anong inaarte mo diyan?

Karlo: Eh Ma’am bakit po kasi nandito yan? Hindi po namin siya ka-level dahil mahirap lang yan.

Teacher: Shut up Karlo! Ikaw Angel, tumayo ka na dyan. Ayoko ng maarte.

Karlo: Arte mo girl!

Mabait, magalang, matulungin, at matalino. Yan ang isang Angel. Bagkus parati pa rin akong inaapi dahil sa estado ng aking pamumuhay. Lagi nalang akong ginagawang clown. Kung baga para sa mga kaklase ko, ako ay katatawanan. Ngunit para naman sa akin, napakasakit na.

Kinabukasan . . .

“Kailangan kong maging mas matatag. Kaya mo yan Angel!.” Ito ang nasambit ko sa sarili  subalit dumating na ang puntong punong puno na ako dahil sa mga pang-aapi.

Karlo: Ayan na si Angel!

Kendra: Hi girl! Nandito ka na naman. Diba sabi ko wag ka nang babalik dito?! (inilagay ni kendra ang wallet sa bag ni Angel ng hindi niya nalalaman)

Joy: Guys! Nawawala ang wallet ko!

Inah: Ninakaw siguro yan ni Angel.

Marco: Grabe naman kayo mang bintang. Di naman siguro magagaws ni Angel yan.

Karlo: Mabuti pa ibigay mo sa amin yang bag mo!

Angel: Ano ba Karlo! Sinabi nang wala sa akin.

Karlo: Eh ano to ha?

Joy: Magnanakaw ka!

Karlo: Magnanakaw!!!

Inah: Hampas lupa!

Kendra: Mahirap ka!

Marco: Hoy tama na yan nasasaktan yun tao.

Joy: Hindi ka na nga kagandahan, magnanakaw ka pa!

Angel: TAMA NAAAAA!!! AYOKO NA!!! ITIGIL NIYO NA TO! Ikaw Karlo, di mo ba titigilan ang pangbabato sa akin ng papel araw-araw? Ikaw kendra, kalalaki mong tao sinasaktan mo ang babaeng tulad ko. Tama lang pala na naging bakla ka! Ikaw Joy, hindi ka ba nakuntento sa masasamang salitang isinumbat mo sa akin? Pinagbintangan mo pa talaga ako ha. At ikaw Inah, kapatid kita. Tayo dapat and nagtutulungan. Pero anong kinalabasan? Mas pinili mo pang sumama sa mga demonyo mong kaklase! Talaga bang hindi kayo titigil? Tao lang din ako. May damdamin ako kaya nasasaktan din ako. Tandaan niyo ang araw na ito!

Makalipas ang ilang taon . . .

So ayun, isa na akong laganap na Engineer ngayon. Engineer Angel Francia ng Pilipinas. Salamat sa mga nang api sa akin dahil sa inyo tumatag ako. Matagumpay ako ngayon. At ang mga nanglalait sa akin?

Karlo: Angel patawarin mo sana kami.

Kendra: Gagawin namin ang lahat mapatawad mo lang kami.

Joy: Kailangan ka namin ngayon.

Inah: Ate si nanay Ana may sakit.

Angel: Mga nakaluhod pa talaga kayo ha. Tumayo nga kayo diyan. Matagal ko na kayong pinatawad. Ano bang maitutulong ko? 

.

.

.

Tinulungan ni Angel ang mga ito. Napagtanto nila na kung sino pa ang dating nilalait nila ang djha pang naglakas loob na tumulong. Ika nga nila ‘Dont judge the book by its cover’ dahil ang mga gaong di kagandahan ang panlabas na anyo ang siya naman may mabuting kalooban.

ANG BUHAY NGA NAMAN

Friend

Advertisements

One Reply to “Ang Buhay Nga Naman”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s